BIYAHE NI DREW: MAS MALUPET SA BENGUET
Sunday, January 18, 2026
6:15 PM GTV
Naggagandahang kabundukan at malamig na klima – iyan ang panalong timplang hatid ng Benguet, biyaheros!
Tuwing buwan ng Enero hanggang Pebrero, ito ang sinasabing pinakamalamig na panahon sa Benguet. At sobrang lamig, pati tubig, nag-yeyelo? Makarating kaya ang paborito nating biyahero sa tuktok ng Mt. Pulag kahit maginaw?
Hindi lang bundok ang pambato ng probinsiyang ito. Dahil pati ang kuweba rito, may pa-swimming sa loob!
At para mapawi ang ginaw, iba’t-ibang pampainit ang susubukan ni biyahero Drew. Tulad nang sikat na pinikpikan na nilagyan pa ng noodles o etag na binigyan ng twist, at literal na iinit ang katawan sa pagsubok ng kadang-kadang!
Maghanda nang ginawin sa malupet na paandar ng Benguet sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 6:15 ng gabi, sa GTV.





